jump to navigation

Nobyembre 23 November 23, 2010

Posted by Richard Bolisay in Noypi.
trackback


Walang lilimot sapagkat
walang lilimot hangga’t
hindi nilulumot
ang katarungan at ang maysala
na itinatawid ng mga panalanging
sinasambit—
tulad mo, tulad ko
at tulad ng mga kamay
na itinakip sa mukha
sa bibig, sa tainga
sa ari, sa suso
sa sinapupunan
ng mga batang nawalan ng
ama, ina, kapatid
ng mga magulang na nawalan ng
anak, apo, pamangkin
ng mga luhang tinuyo ng hangin
ng lamig, ng dusa, ng pighati.

Ito na marahil ang kawalan
na umaapaw, mga gunitang
linilok ng dugong idinilig
sa lupa at ginawang
pataba ng pananim
napakadilim—
ibinurol at
ipinagluksa ng mga langaw
sa isang basong gatas, sa
ilalim ng malamig na tasa
ng kape, sa ibabaw ng kumukulong
sinaing, sa paanan ng poot
na hindi maipinta ng balita
ng mamamahayag na tadtad ng bala
ng walang malay na kuwentista
ng pulubing makata
sapagkat hindi makasasapat ang
salita, hindi makakamit ng pluma
ang anumang naisin nito
hindi ngayon, hindi bukas
hindi kailanman, hangga’t
may lilimot, sa tuwing
may lilimot.

*Larawan ay kuha ni Louie Delos Reyes

Comments»

1. libidoatlikido - November 23, 2010

isang taon na pare, wala pa ring nangyayari.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: